1.5K
Isang Pinay sa Saudi Arabia ang hinatulan ng kamatayan ng Court of Appeals matapos umanong mapatay ni alyas ‘Zoraida’ ang kanyang among babae noon pang 2016.
Nakulong ang Pinay na nuon ay 17 taong gulang pa lamang. Ang consulado ng Pilipinas ay tinututukan ang kaso dahil ito umano ang unang kaso na kasangkot ang isang menor de edad.
Isang malaking tanong naman ng mga opisyal ng gobyerno kung paano nakarating ng Saudi Arabia ang isang minor de edad.
Zoraida went to Saudi noong March 2016 upang mag-trabaho bilang isang kasambahay. Saad ng consulado, napatay umano ni Zoraida ang kanyang amo dahil sa namuong pagtatalo ng dalawa.
Naghain ng katwirang self-defense si Zoraida.
“Of course we got her a lawyer and we are making the presentation with our counterpart considering that very minor nga talaga. Pero sa tingin ko ang mas nakaka-alarma jan is kung paano nakarating ang 14 year old sa Saudi Arabia considering na ang minimum age of deployment is 23,” says Sarah Arriola, DFA Undersecretary.
Kung ganoon ka bata pa si Zoraida nakarating sa ibang bansa, isang malaking posibilidad na naging biktima siya ng illegal recruitment na pumepeke ng mga papeless, kasama na ang totoong edad ng isang aplikante para lamang makarating at makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sa mura niyang isip, yun nalang siguro ang nakita niyang paraan upang ipag-tanggol ang sarili laban sa kanyang amo.
#TVPatrol EXCLUSIVE: Hinatulan ng kamatayan ng Court of Appeals sa Jeddah, Saudi Arabia ang isang Pinay matapos umanong mapatay nito ang kaniyang amo noong 2016. bit.ly/2tKjpuj
Posted by TV Patrol on Friday, March 1, 2019
1.5K
- 1.5KShares
1.5K