1.5K
Isang Filipina and umuwi galing sa Saudi Arabia dahil sa mga banta sa kanyang buhay.
Ayon kay ACTS-OFW Party-list Representative John Bertiz III, ang kasambahay ang umuwi sa Pilipinas kasunod ng pagbabanta sa buhay na kanyang natanggap galing sa kanyang employer. Siya naman ay binigyan ng tulong pinansyal ng ahensiya.
“January 23 pa lang, nasa custody na si Reynalyne ng Al Mashhoury (foreign recruitment agency) para ma-process na ang kanyang exit clearance, pero kinuha ulit siya ng kanyang employer para magtrabaho,” says Representative Bertiz.
“Kinailangan nating kulitin naman yung local agency niya para makabalik siya sa Al Mashhoury. Nagpapasalamat pa rin tayo dahil in God’s grace naiuwi na natin siya sa kanyang pamilya,” dagdag pa ni Bertiz.
Ang pinay ay kinilala bilang si Reynalyne Constantino, 43, at nagtrabaho sa Saudi Arabia mula noong December 2018. Ngunit kamakailan lang ay humingi siya ng tulong dahil pinagbantaan diumano siya ng kanyang amo na papatayin matapos siyang pagbintangang nagnakaw sa bahay ng kanyang amo.
Sa tulong na din ng lokal na recruitment agency ni Constantino ay napauwi na din siya agad.
“With over 25 percent of our OFWs in Saudi Arabia alone, nakalulungkot na nangyayari ang mga ganitong sitwasyon sa ating mga kababayan pero mahalaga na matiyak natin ang kanilang seguridad dahil malaki ang utang na loob natin sa ating mga OFW, ‘yan nga ang tinuturing natin na mga bagong bayani,” sabi ni Bertiz.
Simula 2010, ang party list group na ito ay nakapagpauwi na ng mahigit 11,000 OFWs galing Middle East.
Images for graphic representation only.
1.5K
- 1.5KShares
1.5K