Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • OFW NEWS
  • OFW STORIES
  • PINAS NEWS
  • WORLD NEWS
  • OFW TIPS

Submit Overseas Filipino Workers Stories

Message Us Here!

Isang Pinoy sa California Patay Matapos Pagsasaksakin Sa Loob Mismo Ng Kanyang Bahay

OFW STAFF/ADMIN February 5, 2019
Spread the love
  • 1.1K
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang nakaka-alam kung hanggang kalian ka mabubuhay sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad, may mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sa ibang bansa na nababawian ng hininga. Uuwi na lamang sila na nasa loob na ng malamig na kabaong.

Isang 69-year-old na Pinoy ang nakitang wala nang buhay sa kanyang bahay sa California. Ang biktima ay nakilala sa pangalang Dante Bautista-Batimana.

Noong January 28, nakita ang katawan ni Batimana na may mga saksak. Ito ang sinasabing dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang kasama sa bahay ni Batimana ang nakakita sa kanyang katawan. Ayon sa ‘di pinangalanang kasama sa bahay, may mga saksak sa katawan si Batimana nang makita niya ito sa loob ng kanilang bahay sa 21200 block of Trigger Lane.

Ayon sa Facebook account ni Batimana, siya ay nagtatrabaho bilang isang real estate agent ng Diamond Bar.

Ayon naman sa mga paramedics, si Batimana ay binawian ng buhay dakong 3:12 ng hapon. Nagtamo ang biktima ng stab wounds sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Ito ay kinumpirma ng Los Angeles County Sheriff Department.

“We want to question everybody,” sabi ni Lt. Charles Calderaro. “But we have not identified a suspect,” he added.

Sa ngayon, hindi pa naiuuwi ang mga labi ni Batimana sa Pilipinas.


Spread the love
  • 1.1K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1.1K
    Shares
  • 1.1K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
Share
Tweet
Email
Prev Article
Next Article
Tags:Filipino in California Killed OFW Pinoy

Related Articles

Pawned Passports – OFWs Can Now Get It Only in Manila
Spread the love534    Hong Kong police frequently conduct a raid on …

Pawned Passports – OFWs Can Now Get It Only in Manila

OFW Handbook Soon To Be Released By POEA
Spread the love4.5K    President Rodrigo Duterte recently signed a law that …

OFW Handbook Soon To Be Released By POEA

Visiting Filipino Family in New Zealand Experiences Discrimination
Spread the love97    A Filipino family became a victim of racial …

Visiting Filipino Family in New Zealand Experiences Discrimination

TESDA Offers Online Program For OFWs
Spread the love909    Not known to all, the Technical Education and …

TESDA Offers Online Program For OFWs

Leave a Reply Cancel Reply




Loading...

Popular Posts

    FOLLOW US ON FACEBOOK

    Kwentong OFW

    Copyright © 2022 Kwentong OFW
    Theme by MyThemeShop.com