Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • OFW NEWS
  • OFW STORIES
  • PINAS NEWS
  • WORLD NEWS
  • OFW TIPS

Submit Overseas Filipino Workers Stories

Message Us Here!

Dalawang Pinay Sa Hong Kong Patay Sa Iisang Araw Lang

OFW STAFF/ADMIN February 7, 2019
Spread the love
  • 8.5K
  •  
  •  
  •  
  •  

Dalawang Pinay domestic workers ang napaulat na namatay sa loob ng bahay ng kanilang amo nito lamang linggo.

Si Donna M. Avanceña na mag 56 sana ngayong February 25, ay nahimatay noong Feb. 2 sa loob ng bahay ng kanyang amo sa 32 Kennedy Road in Mid-Levels. Siya ay agad dinala sa kalapit na Ruttonjee Hospital sakay ng isang ambulansya. Doon na siya binawian ng buhay.

Mula Ruttonjee, ang mga labi ni Avancena ay dinala sa Victoria Public Mortuary sa Kennedy Town. Ang public viewing ng kanyang mga labi ay hindi pa naitatakda, ayon sa The SUN HK.

Sa kaparehas na araw, isang Pinay ulit ang nakitang wala nang malay sa loob ng bahay ng kanyang amo. Siya ay kinilalang si Eva A. Pascua, 46 taong gulang at galing sa San Agustin Isabela. Siya ay agad dinala sa Caritas Hospital sa Cheung Sha Wan kung saan siya binawian ng buhay ng sumunod na araw.

Ayon sa kaibigan ni Pascua na si Marites Palma, nireport na niya ang pagkamatay ni Pascua sa Consulate’s assistance to nationals section at sa Philippine Overseas Labor Office.

Ayon din kay Palma, dumating ang anak ni Pascua sa Hong Kong noon ding araw na iyon upang asikasuhin ang pag-uwi ng labi ng kanyang ina.

Ang dahil ng pagkamatay ng dalawa ay hindi pa tukoy.

Ang pamangkin naman ni Avancena na si Aida Ajihil ay nakatakdang bumalik sa Victoria Public Mortuary para sa report sa Biyernes, Feb. 8.

Ayon sa kaibigan ni Avancena, ito ay nagkasakit noon Biyernes ng gabi matapos ang kanyang day off. Si Avanceña ay breast cancer survivor sa loob ng 15 years.

“Basta after mag-holiday kahapon, umuwi siyang ginaw na ginaw daw. Uminom siya ng hot lemon at nagsuka, tapos hinimatay,” sabi ng kanyang kaibigan.

Si Avancena ay nagtrabaho sa kanyang 99-year old na amo sa loob ng 24 taon. Inaasahang makakuha ang kanyang mga tagapagmana ng long service pay na nagkakahalagang $70,000. Sila din ay makakakuha ng death and burial benefit mula sa OWWA na nagkakahalagang PhP120,000. Bibigyan din ng allowance at college scholarship ang kanyang 13 gulang na anak.


Spread the love
  • 8.5K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8.5K
    Shares
  • 8.5K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
Share
Tweet
Email
Prev Article
Next Article
Tags:OFW OFW patay pinay sa Hong Kong

Related Articles

Spread the love3K    A survey which was conducted by a Chinese …

Working Conditions Of Filipino and Indonesian Domestic Helpers in Hong Kong Very Unjust, Says A Survey

Spread the love106    The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) recently announced …

Germany Needs 400 Filipino Nurses

Spread the love9.1K    For some unknown reason, there are those employers …

Employer Forces Filipina Domestic Helper in Saudi Arabia To Eat Pieces of Broken Glass

Spread the love2.2K    An OFW from Qatar went to a TV …

OFW In Qatar Treated Her Wife So Bad Because Of His Extra-Marital Affairs

Leave a Reply

Cancel reply




Loading...

Popular Posts

    FOLLOW US ON FACEBOOK

    Kwentong OFW

    Copyright © 2021 Kwentong OFW
    Theme by MyThemeShop.com